Tañada sinalungat si Roxas sa pagsuporta sa JPEPA

Published online in the January 22, 2008 edition of GMANews.tv

Tutol sa ratipikasyon ng kontrobersyal na Japan-Philippines Economic Partnership Agreement (JPEPA) maging ang kapartido ni Senador Manuel “Mar” Roxas sa Liberal Party.

Ayon kay dating Sen. Wigberto Tañada, isa mga iginagalang na kasapi ng LP, umaasa siya na nagbabago ang isip ni Roxas na naunang nagpahayag ng suporta sa pag-apruba ng JPEPA.

Si Roxas ang presidente ng LP, habang pinuno ng partido sa Kamara de Representante ang anak ni Tanada na si Quezon Rep. Lorenzo Tanada III.

Sinabi ni (Wigberto) Tañada, convenor ng Fair Trade Alliance, na ang nais ng mga Filipino ay “win-win situation,” at hindi tablo-talo na tila posisyon umano Roxas.

Unang inihayag ni Roxas na hihikayatin niya ang mga senador na suportahan ang JPEPA kahit aminado siyang maliit lamang ang magiging pakinabang ng bansa sa tratado. Nagbabala ang senador na hindi dapat mapag-iwanan ang Pilipinas sa nagaganap na ugnayan sa kalakalan ng mga bansa.

“Sen. Roxas was able to see the economic balances in the treaty and the serious constitutional flaws, and that it was inferior to the agreements entered into by Japan with Malaysia, Indonesia and Thailand. The Filipino people cannot accept a tabla-talo scenario. What we want is a win-win situation, a mutually beneficial economic partnership,” pagdiin ni Tañada.

Bagaman patuloy ang nagaganap na pagtutulungan ng mga bansa sa ilalim ng “globalized economic setting,” iginiit ni Tanada na, “the Philippines must be cautious about entering into these trade arrangements so that in the end it will truly serve and support the national development agenda of the country.”

Hindi naniniwala ang grupo ng dating senador na makakatulong ang JPEPA upang mabuksan ang merkado ng mundo para sa mga produkto ng Pilipinas.

“In fact as of now close to 90 percent of Philippine exports to Japan are already enjoying duty-free access to Japan, whether there is JPEPA or not. On the other hand, local industries will suffer because JPEPA allows the entry of used clothing (ukay-ukay) and second-hand vehicles to the Philippines,” pahayag ni Tañada.

Tutol ang ilang kritiko sa JPEPA dahil sa paniwalang magdudulot ng panganib sa kalikasan ng bansa ang mga ipapasok na “basura” mula sa Japan.

Si Roxas ang itinuturing pambato ng LP sa panguluhang halalan sa 2010 elections. – Fidel Jimenez

Advertisements



    Leave a Reply

    Fill in your details below or click an icon to log in:

    WordPress.com Logo

    You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

    Twitter picture

    You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

    Facebook photo

    You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

    Google+ photo

    You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

    Connecting to %s


  • FairTrade in pictures

  • Recent Posts

  • Archives

  • Founded in 2001, the Fair Trade Alliance (FairTrade) of the Philippines is a broad multisectoral coalition of formal and informal labor, industry, agriculture, NGOs and youth pushing for trade and economic reforms.
  • FairTrade seeks to promote a job-full and progressive Philippine economy through: (1) the promotion of fair trade rules and active agro-industrial policies based on the existing development needs of the nation, (2) the development of a positive agro-industrial culture to foster innovation, hard work and solidarity between and among the productive sectors of Philippine society, and (3) the transformation of an economy debased and stunted by colonial mentality, unequal trade and neo-liberal dogma into a modern, sustainable and broad-based.
  • Fair Trade Alliance (FairTrade)
    3/f Philippine Rural Reconstruction Movement (PRRM) Headquarters
    #56 Mo. Ignacia cor. Dr. Lascano, Quezon City, The Philippines
    (+632) 372 49 91 to 92 local 30
    (+632) 372 39 24
    fta[at]fairtradealliance.org

    FairTradeWeb is powered by Wordpress, MediaMax, MediaFire, Yahoo!, FeedBurner and Flickr.

  • Subscribe in Bloglines


%d bloggers like this: