Hamon sa mga Kabataan: Isapuso ang Nasyonalismo sa Gitna ng Globalisasyon


Wigberto E. Tañada, Lead Convenor

Isang maalab na pagbati sa inyong lahat – sa mga estudyanteng nasa Dean’s List of Awardees, Partial and Full Scholars, sa kanilang mga magulang at ka-pamilya, sa mga miembro ng faculty at administrasyon, sa ating mga bisita.  Magandang umaga sa inyong lahat.

Isang malaking karangalan at kagalakan ang makapiling kayong lahat sa natatanging araw na ito.  Ako’y nagpapasalamat kay Dean Macaspac sa kanyang pag-imbita sa akin na magbigay ng mensahe sa okasyong ito.  Hindi ako nagdalawang-isip – agaran kong tinanggap lalo nung sinabi sa akin na nasyonalismo ang tema ng okasyong ito.

Ang ating bansa ngayo’y nasa gitna ng dalawang krisis:  Ang krisis pampulitika at ang krisis pang-ekonomiya. Naumpisahan na ang impeachment proceeding laban kay GMA. Patuloy ang awayan ng mga pulitiko.  Lalong nahahati ang sambayanan.  Nandyan pa ang armadong labanan. Samantalang, mas tumitindi ang kahirapan, mas dumadami ang walang trabaho o kulang sa trabaho, mas lumalaking utang at bayad sa utang, andiyan pa ang higanteng budget deficit, ang mga magsasaka at mangingisda nawawalan ng hanapbuhay o nababawasan ang kinikita.  Talamak pa ang graft and corruption sa loob at labas ng pamahalaan. Bakit ang ating mga leader ay hindi maigiit at maipaglaban ang kapakanang pambansa? Bakit hindi nila mahindian o matanggihan ang utos o diktasyon ng IMF, WB, WTO, AFTA, APEC at iba pa? Bakit nila inuuna pa yung kanilang sariling agenda o interes kundi man yun sa dayuhan?

Ang masama nito, ang sektor na lubos na naaapektuhan ng mga nag-uumpugang mga krisis na ito ay kayong mga kabataan at mga estudyante. Ano ang inyong magiging hinaharap? Mayroon bang trabahong maghihintay sa inyo paglabas ninyo sa pinto ng unibersidad na ito? Mayroon pa bang mga oportunidad na maaari ninyong panghawakan kahit na dumadausdos na ang mga negosyo, bumabagsak na ang industriya at nagsasarahan na ang mga pabrika? O sasama na kayo sa mahabang pila ng ating mga kababayan na umaalis na dahil wala o kulang ang oportunidad dito sa ating bansa.  Nakakabahala ang ganitong kalagayan.

Saan na tayo patutungo?  Bakit tayo nagkakaganito?

Di ba ang mga Pilipino ang nagpapatakbo ng mga barko sa daigdig? Di ba ang mga Pilipino ang nagpapatakbo ng mga oil rigs sa Middle East?  Di ba ang mga Pilipino ang nagpapatakbo ng mga ospital sa America at Europe, mga electronic factories sa Malaysia at Singapore? Di ba pati na ang mga guro at iba pang propesyunal ay kinukuha na ng iba’t-ibang bansa?

Kung ganun, kaya nating itaas sa mas mataas na lebel ng kaunlaran ang ating sariling ekonomiya at lipunan.  Kaya nating tuluyang umunlad at humabol sapagkat may sapat tayong mga talento, sipag at talino.

Kung ganun, bakit hindi natin magawa ito sa Pilipinas? Dahil kulang tayo sa nasyonalismo, kulang tayo sa pagkakaisa sa pambansang pananaw.

If we can get our act together as a nation, as a society, we can still catch up and even excel in the world.  Subalit mangyayari lamang ito kung mapapalago mapapalabas natin an gating pagka-makabansa, pagka-makabayan sa ating puso’t diwa.  Dahil iyan ang magtutulak sa atin sa pagkakaisa sa isang makabansang pananaw at tunguhin.

Ang isang malaking trahedya ng ating bansa at biktima pa rin tayo ng kolonyal na mga idea.  Kung mag-isip tayo ay hati-hati, pami-pamilya, banda uno, banda dos. Bihira ang nag-iisip na unahin ang komunidad, ang pambansang kagalingan.

Nariyan din ang kaisipang kolonyal sa negosyo at industriya. Kapag lokal, mahina.  Sa kasamaang palad, ang ganitong pananaw ay pinalala pa ng mga patakarang liberalisasyon, deregulation, pribatisasyon.  Kaya tuloy bumabaha sa ating palengke ang dayuhang kalakal na pumapatay sa ating mga lokal na industriya katulad ng steel, cement, rubber, shoes, garments, textile, ceramics, vegetables, poultry, piggery at iba pa.

Ang dapat gawin natin ay manawagan sa mga kapuwa Pilipino na sa panahong ito ng globalisasyon, lalong kailangan magtangkilikan tayo sa isa’t-isa.  Ang pagtangkilik sa sariling atin ay dapat sabayan ng kampanya para itaas ang kalidad ng ating produkto.  Ang ibig sabihin nito ay dagdag na pagsasanay, dagdag na kaalaman sa technology at R&D, kasama na ang dagdag sa husay sa disenyo.

Di ba isang katotohan na kaya umunlad ang Hapon ay dahil sa nasyonalismong Hapon?  Ang Korea, dahil sa nasyonalismong Korea? Etc. Ang malungkot ay sa liwanag na katotohan na iyon, marami sa ating mga likder ay nagsasabi na ang nasyonalismo ay luma na, ay lipas, naiwanan na ng panahon. Gusto pa nga nila tanggalin ang mga nationalist provisions sa ating Saligang Batas dahil ito raw ang nagging hadlang sa ating pag-unlad.  Hindi ko ito matatanggap, hindi ko ito masasang-ayunan.

Ito’y isang kasinungalingan, isang panlilinlang. Matagal ng bukas na bukas na ang ating ekonomiya.  Malayang-malaya ng nakakapasok ang dayuhang produkto, ang dayuhang puhunan, ang dayuhang serbisyo. Ngunit sino ang nakinabang? Pilipino ba o dayuhan?

Kaya mga kababayan, magising na tayo sa katotohanan. Matuto na tayo sa mga aral na pinatunayan ng ating kasaysayan.

My friends, we cannot build the future as we envision it unless we are correctly guided by the lessons of the past.  Thus, Ka Tato said “Only history can give us the correct perspective.  Only a realistic grasp of the present as it evolved from the past can make us bold.  Only a liberation from the crippling myths of a colonized past and present can made us truly free … only a decolorized Filipino is a real Filipino.” The trouble is our leaders continue to be “compromising, malleable and spineless” such that they readily accede and submit to foreign dictation, Ka Tato said.  He had likewise declared that: “Weak nationalism characterizes the corrupt society.  It is a society satisfied with the empty shell of formal independence, whose policies reflect the policies and predilections of the dominant power, whose economy is subsidiary to the economy of this foreign country, whose culture and social life are dominated and shaped by the culture and social life of this nation.”

Finally my friends, let us call to mind what Ka Tato said: “The only solutions to our problems are nationalistic solutions” and “to struggle against the conditions that nullify independence is the task of the nationalist.”

Ang trade policy ay isa lamang instrumento para sa pagpapaunlad. Hindi tayo dapat bukas ng bukas ng bintana at pinto para papasukin ang dayuhang kalakal.  Magbubukas lamang tayo sapagkat handa tayo at beneficial ang trade sa bawat isa.  Pero isasara natin ng kaunti kung tayo ay napipinsala, jung nalalaglag ang ating mga mga trabaho o nagbabagsakan an gating industriya.

Higit sa lahat, kailangan nating balikan ang ating pnanaw sa buhay.  Gusto ba nating umunlad bilang isang bayan?  Gusto ba nating maabot ang naabot ng Hapon, ng Amerika, ng Korea, ng Malaysia at ngayon, ng Thailand at Tsina?

Kung oo, gayahin natin ang ginawa nila.  Suportahan ang sariling industriya, sariling agrikultura. Itaas ang kakayahan ng bawat isa – sa kaalaman, sa pagmamaneho, sa kooperasyon, sa tecknolohiya at iba pang mga bagay.  Rendahan ang pagpasok ng mga dayuhang kalakal habang hindi pa handa ang likal na industriya at agrikultura.  Palakasin an gating agro-industrial base sapagkat kung puro importation tayo, patay tayo sa diktasyon ng mga dayuhan, patay tayo sa fluctuation ng peso, patay tayo sa mabilis na daloy ng kumpetisyon.  Kung may existing industries, palakasin at pagyamanin ang mga ito.  Kung may mga industriya na dapat itayo para bumilis ang pag-unlad, pagtulungan nating itayo.  Kung kailangan ang teknolohiya, tuklasin natin o hanapin natin.

Kung walang puhunang makuha sa labas, imobilisa ang local na puhunan.  Nariyan ang savings ng 8 milyong OFW’s.  Nariyan ang 85 milyon Pilipino sa isang malaking palengke para sa local industry at agriculture kung mapapalakas ang tangkilikang Pilipino.  Nariyan ang isang magandang kinabukasan na naghihintay sa ating lahat – kung matutuhan nating yakapin ang economic nationalism at ibalik ang hagdanan sa pag-unlad.

Let us bring back the industrial ladder.  Let us bring back the agricultural ladder. Let us acquire and develop the technology- and skills-based ladder required.  Let us throw away the neo-liberal ladder-less model of free trade development!  Let us make the future bright for our people by promoting and ensuring a progressive, sustained balanced development of our industry and agriculture based on nationalism.

Ito ang hamon sa kabataan. Tumulong na buhayin ang diwang nasyonalismo.  Sumama sa kampanya na baguhin ang direksiyon ng ekonomiyang nakasandig sa utang at sa makitid na neo-liberal economic framework. Manguna sa paggising ng mga utak ng ating mga teknokrat at opisyales na na-adik sa utang at buwis.  Ang solusyon sa fiscal crisis ay hindi makukuha sa pagdadagdag ng buwis at bagong pangungutang.  Ang solusyon ay nasa radical na pagbabago ng kaayusang pangkabuhayan.

Dito malaki ang papel ng kabataan.  Sapagkat ang labanan ay sa kaisipan, sa kamalayan.  Madaling magising at mamulat ang isip ng kabataan, lalo na kung nabigyan natin sila ng tamang edukasyon, orientation at direksyon.  Ang kabataan ang maaasahan manguna sa pagmumulat sa pagsasaliksik at sa pag-oorganisa.  Kung wala ang kabataan, di susulong ang isang kilusan sa pagbabago.

Magagawa po natin ito kung ang sambayanang Pilipino ay magkakaisa sa diwa ng nasyonalismo. Sa diwa na kaya ng Pilipino kung tayo ay magkakaisa. Nagkakaisa sa sakripisyo, nagkakaisa sa benepisyo – pananaw – tunguhin.

Sabi nga ni Claro M. Recto, umaasa siya sa kabataan-the youth “who are not timid and afraid, who have no positions to safeguard, who have no vested interests to protect, who have the audacity and courage, the curiosity and recklessness, the strength of body and mind…all essential to a movement working for radical, sweeping reforms in the vast areas of our national life.”

Sa pagtatapos, gunitain natin na noong panahon ng Kastila, Amerikano, Hapon, ang kabataan ang naguna para sa kalayaan, para sa kasarinlang pampulitika.

Ngayon ang kabataan ang dapat ding manguna sa labanan para sa kalayaan at kasarinlang pangkabuhayan.

Mga kasama, mga kaibigan, pagtulungan natin tiyakin ang magandang kinabukasan ng sambayanan.  Maraming salamat!

———————-
Speech delivered at the Dean’s List Awarding for College held on 26 August 2005 at the FEU-FERN College, Mapayapa Village, Quezon City

Advertisements

  1. flor

    bakit nmn ganyan ung mga sasot dming alm pa eh panu yung mga estudyante na nag sesearch ganyan ung nilalagay nila !




Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


  • FairTrade in pictures

  • Recent Posts

  • Archives

  • Founded in 2001, the Fair Trade Alliance (FairTrade) of the Philippines is a broad multisectoral coalition of formal and informal labor, industry, agriculture, NGOs and youth pushing for trade and economic reforms.
  • FairTrade seeks to promote a job-full and progressive Philippine economy through: (1) the promotion of fair trade rules and active agro-industrial policies based on the existing development needs of the nation, (2) the development of a positive agro-industrial culture to foster innovation, hard work and solidarity between and among the productive sectors of Philippine society, and (3) the transformation of an economy debased and stunted by colonial mentality, unequal trade and neo-liberal dogma into a modern, sustainable and broad-based.
  • Fair Trade Alliance (FairTrade)
    3/f Philippine Rural Reconstruction Movement (PRRM) Headquarters
    #56 Mo. Ignacia cor. Dr. Lascano, Quezon City, The Philippines
    (+632) 372 49 91 to 92 local 30
    (+632) 372 39 24
    fta[at]fairtradealliance.org

    FairTradeWeb is powered by Wordpress, MediaMax, MediaFire, Yahoo!, FeedBurner and Flickr.

  • Subscribe in Bloglines


%d bloggers like this: